Una sa Balita

CRISTINE, GUSTO NANG PABUNTIS ULIT KAY ALI!

By
0 6

Kung may pagkakataon, gusto raw ni Ali Kha­tibi na magkasama rin sila ng misis niya na si Cristine Reyes sa isang proyekto. Hindi naman imposible bilang pareho silang under VIVA.

Supportive naman daw si Cristine sa pag-aartista niya at okey rin kay Ali dahil action naman ang ginagawa niya kaya nagagamit niya ang galing niya sa mixed-martial arts.

Four years na silang magka-relasyon ni Cristine at one year na rin silang kasal.

Kung si Cristine raw ang masusunod, gusto na nitong sundan at bigyan ng kapatid ang anak nila na si Amarah.

Pero siya raw ang medyo nagpipigil pa dahil gusto rin niyang mag-focus muna sa anak nila at the same time, matapos daw mabayaran muna ang bahay nila.

Ang pagiging totoong tao raw ni Cristine ang pinakanagugustuhan niya sa kanyang misis.

Sey nga niya, “`Yung pinaka-gusto ko kay Cristine, totoong tao siya.

“What you see is what you get.

“And that’s something I love about Cristine. Seldom you see sa tao na totoo.”

Anyway, first time na malaki ang role ni Ali sa pelikulang Double Barrel kung saan, siya ang gumaganap sa role ni Lagman kasama si Jeric Raval­, Phoebe Walker at Aj Muhlach.