Una sa Balita

Cristine ayaw nang makita si Ali

By
0 3,316

Hindi pa rin nagsasalita si Cristine Reyes sa totoong estado na nga ng marriage nila ng mister na si Ali Khatibi, pero marami na ang lumalabas na balitang hiwalay na ang dalawa.

Kapansin-pansin din na ang Instagram account ng aktres na may 2 million followers ay lima na lang ang IG account na pina-follow niya. Hindi na kabilang dito ang IG account ng kanyang mister. Sa lima, dalawa pa rito ay sa mga kapatid niya na sina Ara Mina at Heidi Gatmaytan.

Ayaw na raw bang makita ni Cristine si Ali, o ang mga pino-post ni Ali?

‘Yun lang, kung ini-unfollow man ni Cristine ang mister, hindi pa rin naman niya pinapalitan ang IG account name na @mrscristinekhatibi. Kaya parang ‘yung mga follower nilang dalawa na umaasang hindi sila mauwi tulad ng ibang showbiz couple sa hiwalayan, ay umaasang sila pa rin daw sana.

Kahit na hindi pa nagsasalita si Cristine sa real score sa kanilang dalawa ni Ali, kung pagbabasehan ang mga social media posting niya, halos palaging mother and daughter hashtag na lang siya. Matagal na silang dalawa na lang ng anak ang magkasama. Kahit sa recent trip niya sa Amanpulo, sila lang ng anak na si Amarra ang pino-post niya.

Pero six days ago lang, nag-post ng video­ si Ali sa IG niya na kasama naman ang anak habang nagsu-swimming lesson­ ito. Si Cristine naman ang wala sa eksena.