Una sa Balita

Cristine-Ali relasyon nanganganib mawasak?

By
0 3,830

May nagbabalak bang wasakin ang relasyon nina Cristine Reyes at Ali Khatibi? Kasalukuyang nagbabakasyon sina Cristine at Ali kasama ang baby girl nila, at ilang kamag-anak sa isang resort.

Makikita sa IG ni Cristine ang photos nilang pamilya na masayang-masaya habang nasa buhaningan sa tabi ng dagat.

Pero, medyo na-puzzle lang ang ibang netizens sa pinost ni Cristine na humihingi ng gabay sa Diyos para sa pagsasama nila ni Ali.

“Dear God, I pray for my marriage right now. Please guard my relationship with my husband and protect us against elements that tempt or taunt us to ruin what we have. Convict our hearts when we are wrong or un-righteous, fill us with a passion to get better and bless us with a deep love for each other in Jesus name AMEN!” dasal ni Cristine.

Well, dasal lang naman pala sa Diyos na mas lalo pang pagtibayin ang kanilang pagmamahalan. Pero, ibang-iba na nga si Cristine ngayon, na mula nung mag-asawa at magkaanak, naging malapit na sa Diyos. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy