Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Criminology student kalaboso sa marijuana

0 94

Tinuring na big-time drug pusher ang dalawang 2nd year criminology student matapos na masamsaman ng P120,000 halaga ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Kinilala ni Northern Police District-District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) chief P/Capt.Ramon C. Aquiatan ang mga suspek na sina Sebastine Kyle De Leon, 20, residente ng Balut, Tondo, Manila at Nazzer Meraji, 22, residente ng Malate, Manila.

Nahaharap ang mga ito sa paglabag sa Section 5 at Section 26 sa ilalim ng Article 11 ng R.A. 9165 at walang piyansang inirekomenda ang piskalya para sa kanilang pansamantalang paglaya.

Ayon kay Aquiatan , dakong ala-una ng madaling-araw nang gawin ang drug bust sa gilid ng isang drug store sa Monumento.

Isang operatiba ang nagpanggap na buyer at umiskor ng marijuana ng halagang P30,000 sa dalawang estudyante, at habang nag-aabutan ay kaagad na hinuli ang mga suspek.

“Hindi pa nga nagiging pulis mga scalawag na , lalo na siguro kung may tsapa at baril na,” saad ni Aquiatan. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.