Una sa Balita

Crime rate bumagsak

By ,
0 135

Malaki ang ibinaba ng pangkabuuang insidente ng krimen sa unang kalahati ng taong 2016.

Ito ang ipinagmalaki ni Philippine National Police (PNP) Directorate for Investigation and Detective Management executive officer S/Supt. Fausto Manzanilla na sinabing mula 341,543 kaso noong unang bahagi ng nakaraang taon ay bumagsak sa 50,134 o 14.68% na lang ngayong taon.

Bumagsak din ang average monthly index crime rate ng 5.44% crime volume, habang tumaas naman ng 3.7% ang crime solution efficiency dahil umano sa mas pinaigting na laban ng PNP kontra kriminalidad sa bansa.

Samantala, matatandaang inamin ni PNP spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos sa isang press briefing sa Camp Crame na hindi maitatanggi ang pagtaas naman ng mga kaso ng pagpatay na resulta ng nasabing programa ng hanay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy