Una sa Balita

Crime of passion

By
0 131

Isa sa motibo na ‘crime of passion’ ang tinitingnan ngayon ng pulisya kaugnay sa pamamaril at pagpatay sa isang architect sa Leyte Normal University sa Tacloban City, Leyte.

Sa inisyal na ulat ni Chief Supt. Domingo Say Cabillan, hepe ng Tacloban City Police, base sa imbestigasyon, may lumutang na isyu na posibleng nagselos ang abogadong suspek sa biktima.

Bandang alas-12:35 ng tanghali kamakalawa nang barilin ang biktimang si Architect Jess Archimedes Moscare, ng Oras, Eastern Samar, habang ito ay nasa loob ng library ng nasabing university. Siya ay consultant ng Engineering Department ng LNU.

Sa isinagawang pagsisiyasat, nakilala ang suspek sa pamamagitan ng Closed Circuit Television (CCTV) footage ng nasabing unibersidad at ngayon ay itinuturing na person of inte­rest si Atty. Aquilino Mejica, dating vice mayor ng Oras, Eastern Samar.

Napag-alaman na si Atty. Mejica ay under suspension ng dala­wang taon dahil sa kinakaharap na kasong administratibo.

Sinabi ni Cabillan na pumasok ang crime of passion sa kaso dahil umano sa impormasyong may relasyon umano si Moscare kay Engr. Carol Mejica na misis ni Atty. Mejica.

Hawak na ng pulisya ang Kia Privia na pag-aari umano ni Atty. Mejica na iniwan matapos ang krimen.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy