Una sa Balita

Credit grabber laglag sa survey

0 637

SINO daw itong senatoriable na hindi pa rin makapasok sa Magic 12 kahit na angkinin ang ilang mahahalagang batas sa bansa?

Lumabas kasi sa pinakahuling survey na magiging talunan ito kapag ngayon ginawa ang halalan sa pagka-senador.

Masipag naman daw ang kandidato pero napupulaan ito sa pag-angkin sa ilang mga batas sa bansa.

Mukhang tumalab daw sa mga tao ang batikos sa kanya kaysa sa pahayag ng kandidato na nagkaroon siya ng papel sa ilang mahahalagang batas.
Nakabawas sa pogi points din umano ng kandidato ang pagiging konyo o kaya ay ang pagiging rich kid.

Ang masaklap nito, kumuha pa siya ng batikang PR pero mukhang hindi rin umubra ang mga gimik nito sa publiko.

Pintahan niyo na. Ang senatoriable na hindi makapasok sa winning circle kahit na todo ang pagbubuhat ng bangko ay mahilig magpa-impress na family man. May letrang A sa kanyang pa­ngalan as in Ako.