Una sa Balita

Cray, Knott, 16 iba pa uupak sa Taiwan Open

0 164

KABUUANG 18 pambansang atleta ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang pilit susungkit ng minimum qualifying standard at puntos para makatuntong sa 2020 Tokyo Olympics sa Taiwan Open Athletics Championships 2019 sa Mayo 25-26.

Magsisilbing training na rin ito ng mga nagnanais makasama sa National Team para sa 30th Southeast Asian Games.

Sinabi ni PATAFA president Philip Ella Juico na kailangan mapanatili ng mga pambansang atleta ang kanilang mga rankings at puwesto sa pambansang koponan upang mapatunayan na karapat-dapat sila sumabak sa SEA Games habang patuloy na nag-iipon ng kanilang mga puntos para makapasok sa 2020 Tokyo Olympics.

“They need to improve their own records, or even their performances, for them to maintain their slots in the national team, or else, anytime puwede sila mapalitan ng mas magiging maganda ang time per event,” sabi ni Juico.

Kabilang sa women’s team na sasabak sa Taiwan Open sina Robyn Lauren Brown sa 400 hurdles at 4×100m relay, Daniela Daynata sa discus throw, Alyana Nicolas sa pole vault, Kristina Marie Knott sa 100, 200, 4×100m relay, Eloiza Luzon sa 100m at 4×100m relay, Evalyn Palabrica sa javelin throw, Jelly Ann Paragile sa 100m hurdles, ang kambal na sina Kayla Anise Richardson (100m at 4×100m relay) at Kyla Ashley Richardson ( 200m, 4×100m) at ang nanatiling SEA Games record holder sa women’s long jump na si Marestella Sunang.

Kasama naman sa men’s team si Clinton Bautista sa 110m hurdles at 4×100m relay, Melvin Calano sa javelin throw, Eric Shauwn Cray sa 400m hurdles at 4×100m relay, Anfernee Lopena sa 4×100m relay, John Albert Mantua sa discus throw, Richard Salano sa 5000m at 10,000m run, Janry Ubas sa long jump at Jomar Udtohan sa 4×100m.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy