Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cray hinablot ang bronze

0 55

BINAGAHE ni Eric Shauwn Cray ang bronze medal sa NACAC New Life Invitational tourney sa Ansin Sports Complex, Miramar, Florida Sabado (Linggo, Manila time).

Nagtala ang 2020 Tokyo Olympics hopeful ng 49.68 segundo sa pagtersero sa men’s 400 meter hurdles event. Pero kapos pa rin ito sa Olympics standard time na 48.90 secs.

Kagagaling lang ng Fil-Am sa gold medal play sa Duval County Challenge sa Jacksonville sa Florida rin nang mag-clocking na 50.40.

Sablay sa podium finish si Kristina Marie Knott sa women’s 200m dash nang pumang-anim na puwesto lang sa tiyempong 23.27 segundo. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.