Una sa Balita

Crawford hihirit ng 140lbs vs Pacquiao

0 157

LAS VEGAS (AP) — Handang harapin ni Terence Crawford si eight-­division world champion at ngayo’y Senator Manny Pacquiao sa Nobyembre.

Pero, sa timbang na siya ang masusunod — 140lbs.

Matapos kumbinsidong talunin ang dating undefeated na si Victor Postol via unanimous decision, hayagang sinabi ni Crawford na haharapin lamang niya ang Pambansang Kamao sa timbang na 140 pounds.

“It will be at 140, definitely,” lahad ni Crawford matapos ang laban kay Postol, kung saan dalawang beses niyang pinabagsak ang kalaban. “But I’m going on vacation now. We’re not worried about Manny Pacquiao right now.”

Una rito, sinabi ni Top Rank promoter Bob Arum, na kung sinuman kina Postol at Crawford ang magwawagi ay siyang ihaharap niya kay Pacquiao sa ­Nobyembre 5.

Pero, karamihan ng laban ni Pacquiao ay 147 lbs. at para kay Crawford, siya ang dapat masunod.

“Postol is a great champion and he was undefeated for a reason,” ani Crawford.. “We got the job done tonight.”

Ikinagulat naman ng trainer ni Postol na si Freddie Roach ang ipinamalas na gilas ni Crawford.

“He was just too fast,” wika ni Roach. “I was surprised at how fast and good he was.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More