Una sa Balita

Crackdown sa mga illegal Chinese worker umpisahan na

By
0 463

NANANAWAGAN ang isang kongresista sa gobyerno partikular na sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Bureau of Immigration (BI) na tugunan ang isyu sa pagdagsa ng mga manggagawang Intsik sa bansa.

Iginiit ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano na dapat protektahan ng pamahalaan ang kabuhayan at kapakanan ng mga Pinoy at hindi ng mga dayuhan gaya ng mga Intsik.

“I call on the government, specifically the DOLE and Bureau of Immigration, to address the issue of employment of foreign workers and have a crackdown against their increasing numbers in our country,” pahayag ni Alejano.
Ang sabi aniya ng administrasyon ay hindi kaya ng mga Pilipino ang trabahong ibinibigay sa mga Chinese workers na nandito sa Pilipinas kaya nag-i-import ng mga trabahador.

Gayunpaman, may mga ulat diumano na pati ang mga trabaho sa construction ay pinanghihimasukan ng mga manggagawang Intsik.

“Napakahirap namang paniwalaan na ang ganitong klase ng trabaho ay hindi kaya ng mga Pilipino,” komento ni Alejano.
“Nananakawan ng trabaho ang mga Pilipino sa mismo nating bayan. Ang pangako ng administrasyon sa pagkakamabutihan ng Pilipinas at China ay mas mara­ming trabaho para sa Pilipino dahil sa mga investments at proyekto. Ang siste, China pa rin pala ang makikinabang habang tayo ay malulubog pa sa utang,” himutok pa ng solon.

Sa halip na bigyan ng kayod ang mga Intsik dapat iprayoridad ng gobyerno at mga pribadong kompanya na nakabase sa Pilipinas ang lokal na lakas-paggawa ng bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy