Una sa Balita

CPP-NPA kinantiyawan ng Palasyo

By
0 588

BINUWELTAHAN ng Malacañang ang Communist Party of the Philippines (CPP) matapos maliitin ang itinatag ng gobyerno na anti-NPA Task Force.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ‘self-serving’ ang pahayag ni Jose Maria Sison, founding Chairman ng CPP dahil ang katotohanan nito ay takot ang mga komunista na babagsak na ang kanilang kilusan.

Mahigit 50 taon na aniyang nakikipaglaban ang mga komunista pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagtatagumpay ang grupo ni Sison na mapabagsak ang gobyerno.

“Sison’s statement is self-serving, ob­viously, he cannot say that the creation of Task Force will weaken the NPA,” ani Panelo.

Nawala na aniya ang prinsipyo na ipinaglalaban ang mga komunista dahil sila na mismo ang namemerwisyo sa mga tao sa pamamagitan ng pa­ngingikil o extortion activities dahil hindi sila maalagaan ng kanilang lider na nagtatago sa ibang bansa.

Ipinagmalaki ng Palasyo na marami nang NPA na nagbabalik-loob sa gobyerno at pinakahuli dito ay ang mga rebeldeng sumuko sa Davao nitong nakalipas na araw.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy