Una sa Balita

CPB and Chris kampeon sa World Slasher Cup

By
0 1,035

Si American Chris Copas ng Kentucky, USA at kasamang CPB group ng Mindanao ang solong kampeon sa “2019 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby” noong Miyerkoles ng gabi, Feb. 6 sa iconic Smart Araneta Coliseum.

Gamit ang Kelso, Roundheads at Sweaters na ipinadala kay Gov. Claude Bautista, umiskor ang CPB and Chris entry ng 9-0 (panalo-talo) kartada para sa sungkitin ang prestihiyong titulo.

Kung natalo si Copas sa last fight, tatlo sana ang kampeon kabilang ang nakalabang si Jomel Gatlabayan.

“The best roosters are here in the Philippines and winning the “Olympics of Cockfighting” is everyone’s dream,” sabi ng kaibigan ni Copas na si  Joe Brown,  2018 Araw Ng Davao champ.

Isa pang American, si Belle Almojera ng Florida at Santi Sierra ng Cebu ang nakadale ng tig-7.5 puntos.

Kumuha ng mahalagang suporta ang host na Pintakasi of Champions mula kay Pitgames CEO Manny Berbano.

Panalo rin ang Birthday Gift 1 at 2 entries ng Team Alcala, na may walo at pitong panalo ayon sa pagkakasunod.

Mga seven pointers: Nene Araneta, Biboy Enriquez, sabong idol Patrick Antonio, Jomel Gatlabayan and RGBA Friends, Jimmy Junsay, Doc Marvin Rocafort at Cris/Paolo Mercado.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy