Una sa Balita

CPA, Kenyan kampeon sa Baguio Marathon

By
0 429

NAGSALO sa tampok na karangalan sina Donna Marie Cayago ng Pilipinas at David Kipsang ng Kenya sa kakahagibis lang na 1st Baguio City Marathon 2019 na nilahukan ng mahigit 1,000 runners mula sa 12 bansa paalis at pabalik sa Camp John Hay sa Summer Capital, Benguet.

Sinakop ni Cayago, isang certified public accountant sa kanyang propesyon, ang wo­men’s 42.195-kilometer elite title sa clocking na 6 hrs., 18 mins. at 14 secs. upang ibulsa ang P42,000 top purse laban kay Irish Precion (8:26:50 time, P10,000 cash).

Tumiyempo ng 3:12:36 naman si Kipsang para rin kumita ng P42,000 kontra sa sumegundo at tumerserong sina Richard Kinnud ng City of Pines na may (4:41:46, P10,000 cash), at Jubert Castor (5:30:29,P5,000).

Uno-dos-tres sa pro men’s pro sina Crisanto Lopez (4:15:35), Baguio bet Alden Obelio (4:23:37) at Urbado dela Peña (4:24:47), samantalang 1-2-3- na women’s pro division sina Gretchen Felipe (4:46:54), Maria Cecilia Kiswa (4:52:24) at Rose Nagal (6:15:53) para magrasyahan din ng P10,000, P7,000 at P5,000.

Kaugnay nito, nagpasala­mat sina Timothy Garcia ng Team Baguio Marathon at Stephen Felizes ng Team Cordillera/Team Malaya sa mga lumahok kasabay sa pangakong pagbubutihin ang ika-2 edisyon ng patakbo sa taong 2020.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More