Una sa Balita

COVID victim sa Batangas, 8 na

0 700

Umakyat na sa walo ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Batangas.

Ito ay matapos makapagtala kahapon ng tatlong pinakabagong kaso, ayon na rin sa DOH REG4a, CALABARZON .

Ayon naman sa Batangas Public Information Office, 7 sa mga pasyente ang naka-confine pa rin sa mga ospital sa labas ng Batangas, samantalang isa na ang naka-recover.

Nasa 92 naman ngayon ang nasa ilalim ng person under investigation (PUI) kung saan 31 dito ang naka-confine pa sa mga hospital; 19 ang naka-home quarantined at 30 ang nakalabas na sa mga pagamutan.

Dalawa naman sa mga PUI ang binawian na ng buhay ngunit hindi pa rin lumalabas ang resulta sa lab test.

Sa tala pa rin ng Batangas PIO, ang mga positibong kaso ay nagmula sa Batangas City, 4 na pawang senior citizen; isang 42-anyos na mula sa Tanauan City; Lemery -1; Lipa City-1, at Nasugbu -1.

Dalawa sa mga ito ay walang travel history samantalang ang isa ay nilagnat matapos makauwi sa kanyang bayan mula sa Quezon City.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More