Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COVID test result hinihintay: Staff ng Senado nasawi

0 334

Pumanaw ang isang staff member ng Office of the Sergeant at- Arms (OSAA) ng Senado isang araw matapos nitong sumailalim sa coronavirus disease (COVID-19) test.

Kahapon alas-nuebe ng umaga nang maiulat na nasawi ang hindi pinangalanang staff. Ayon sa OSAA, hinihintay pa ang resulta ng ginawang test sa kanilang staff. Na-diagnose umano ito na may pneumonia noong Hunyo 29 at sa sumunod na araw ay sinuri para sa COVID-19.

Matatandaan na noong Marso, pumanaw ang staff ni Senador Ramon ‘Bong Revilla dahil sa COVID-19. Tatlong senador din ang tinamaan nito.

Nakapagtala ng 16 na kumpirmadong kaso sa Senado, pero 2 na lang ang nagpapagaling pa sa sakit.

Leave A Reply

Your email address will not be published.