Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COVID test dinoble sa mga balikbayan

0 165

Hinigpitan pa ng gobyerno ang testing at quarantine protocol para sa mga Pilipino na galing sa ibang bansa bilang pag-iingat sa bagong COVID-19 variant.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, binago ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang protocol mula sa dating 14 araw na quarantine sa mga Pinoy na galing sa mga bansang may travel ban.

Sa bagong regulasyon, ang mga Pinoy na kararating lang galing sa ibang bansa na sakop ng travel ban ay kailangang ma-COVID test pagdating pa lang at sumailalim sa quarantine. Sa ikalimang araw ng kanilang quarantine ay isasailalim uli sa COVID test.

Kapag negatibo ang resulta ng pangalawang RT-PCR test ay papayagan na sila makauwi. Hindi naman binanggit kung hanggang kailan ang quarantine para doon sa mga nagpositibo sa pangalawang swab test.

Una nang inobliga ng IATF ang mga galing sa ibang bansa na sumailalim sa swab test pagdating sa bansa. Pinapayagan na rin silang umuwi sa kanilang tahanan pagkatapos ng dalawang linggong quarantine.

Una nang inihayag ng Department of Health (DOH) na kanilang rerebisahin ang virus testing protocol para sa mga biyahero galing sa ibang bansa. (Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.