Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COVID task force abangers sa kumpas ng susunod na admin

0 66

NAGPULONG na sa huling pagkakataon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) nitong Huwebes, Mayo 26, 2022.

Ito ang inihayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez kasunod ng inaasa­hang pagtatapos ng termino ng Duterte administration.

Ayon kay Lopez, huling meeting na nila sa IATF nitong Huwebes pero naka-standby lamang ang mga kumakatawan sa IATF kung sakaling kailangan pang magpulong lalo na sa sitwasyon ng COVID-19 pandemic.

Ang IATF ay binuo ng ehekutibo sa pamamagitan ng Executive Order no. 168 na inisyu ni dating Pangulong Benigno Aquino III noong 2014 para tumugon sa mga nakakahawang sakit sa bansa gaya ng COVID-19.

Layon ng IATF na i-asses, i-monitor, i-kontrol at pigilan ang pagkalat ng kontaminasyon ng lulutang ng ano mang nakakahawang sakit sa bansa. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.