Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COVID sumipa sa 34K: DOH tinabla mga dok sa alert level 4

0 202

Walang nakikitang pangangailangan ang Department of Health (DOH) para itaas ng alert level 4 ang status sa Metro Manila sa kabila ng mataas na bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.

Tugon ito ni Health Undersecretary Leopoldo Vega sa panawagan ng mga doktor sa ilang mga ospital na mayroon ng 80% utilization rate sa kanilang COVID patients.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Vega na nasa kalagitnaan pa lamang ng low at moderate risk ang health care utilization ng mga ospital sa National Capital Region.

Ang pamantayan aniya para sa alert level 4 status ay dapat nasa 71% or high risk position sa buong Metro Manila.

“Kaya pa ho, very manageable ins­pite of the rise of number of cases. Ang hinahanap pa ngayon ay iyong mga isolation area, facilities para sa mild and moderate situations,” ani Vega.

Ang sinasabi aniya ng mga doktor sa ilang ospital na 80% na sila ay nasa San Juan City, Taguig City, Quezon City at Marikina City, subalit ang pamantayan ay hindi kada lungsod kundi sa kabuuan ng National Capital Region.

Samantala muling nakapagtala ng record high sa COVID case ang DOH kahapon, Enero 13, matapos na makapagtala ng 34,021 karagdagang kaso ng COVID-19.

Nasa 4,694 naman ang naitalang gumaling at 82 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.7% (237,387) ang aktibong kaso, 90.6% o 2,802,286 na ang gumaling at 1.71% (52,736) ang namatay habang nasa 3,092,409 ang kabuuang COVID sa bansa. (Aileen Taliping/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.