Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COVID sumipa kaso sa 82%

0 93

Pumalo sa 82% na ang average ng COVID-19 cases na naitala sa bansa ngayong linggo.

Ayon sa weekly update na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, nabatid na mula Hunyo 13 hanggang 19, 2022 ay nasa 3,051 bagong kaso ang naitala sa bansa.

Nabatid sa DOH na ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 436, mas mataas ng 82% kung ikukumpara sa mga kaso noong Hunyo 6 hanggang 12.

Nalaman na sa mga bagong kaso, 15 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Kaugnay nito ay may naitalang anim na pumanaw per wala sa mga ito ang naganap noong Hunyo 6 hanggang 12.

“Noong ika-19 ng Hunyo 2022, mayroong 554 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,636 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 385 (14.6%) ang okupado. Samantala, 18.2% ng 22,156 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit,” ayon pa sa report DOH.

Kasabay nito ay mu¬ling pinaalalahanan ng DOH ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19 at sumunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1.

Pinayuhan ng DOH ang publiko na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar.

Kapag nakaramdam ng sintomas ng sakit ay kaagad na mag-isolate para ‘di na makahawa. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.