Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COVID sementeryo ititirik sa Cebu

0 479

Nilalakad ng Cebu City Council ang pagtatayo ng sementeryo na ekslusibong paglalagakan ng mga nasawi sa COVID-19.

Naghain ng resolusyon ang council para sa paggawa ng 2-ektaryang public cemetery sa Sitio Patayng Yuta, Baksan sa Barangay Sapangdaku, na magiging himlayan ng mga namatay sa virus.

“This laudable measure is urgent, essential, and necessary in order to strongly prepare and strategically position the City of Cebu towards a holistic yet realistic approach to confront the Covid-19 pandemic in all fronts,” saad ni Cebu City Councilor Phillip Zafra sa nasabing resolusyon.

Dati nang naghain si Konsehal David Tumulak ng isang ordinansang tinawag na “An Ordinance Establishing the Cebu City Memorial Garden for Covid-19 Victims, Setting Initial Guidelines for its Operation and Providing Funds Therefore,” na nakabinbin na sa council.

Kapag naaprubahan, magsasagawa ng technical working group na mangangasiwa sa pagkuha ng permit at clearance para matuloy ang pagpapatayo ng COVID-19 cemetery.

Saad ni Zafra, kinakailangan ang nasabing sementeryo dahil full capacity na ang kanilang mga public cemetery, habang magastos naman sa mga pribadong sementeryo at hindi na rin kinakaya ng kanilang crematorium ang dami ng nasasawi sa virus. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.