Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COVID sa Paranaque bumaba

0 87

Bunsod sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID 19 sa Paranaque City, kinilala ng Department of Health (DOH) ang lokal na pamahalaan sa mahigpit at walang puknat na pagpapatupad ng mga health protocol sa kalunsuran.

Sa kasalukuyan nasa 94 ang bilang ng active case na naitala .

Ayon kay Dr. Corazon L. Flores, Metro Manila-Center for Health Development chief, patuloy ang liderato ni Mayor Edwin Olivarez, katuwang ang lokal na Task Force COVID-19 at mga medical frontliner sa mahigpit na implementasyon ng tamang protocol para sa mas ligtas na pagtugon sa pagbibigay ng dekalidad na health service sa mga komunidad noong magsimula ang pandemya hanggang sa kasalukuyan.

“For months, the City of Parañaque government has taken drastic actions to contain the virus and save as many lives as possible. They deserve to receive the COVID-19 Response Service Award from the DOH,” sabi ni Flores.

Sa pinakahuling datos ng Parañaque Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) lumabas na nasa 6,597 ang confirmed case kungsaan nasa 6,337 (96.0%) ang gumaling. Naitala sa 166 o 2.5% ang namatay.

SM food to go Banner Ad

Noong nakaraang Martes, nasa 199 ang COVID active case subalit simula noong Sabado (Oct. 24), bumaba na ang kaso ng mga nagpositibo habang tumaas ang bilang ng mga gumaling sa virus, ayon kay Dr. Darius Sebastian, CESU chief.

Sinabi ni Sebastian na zero active case na sa Barangay Vitalez mula sa 116 na kompirmadong kaso kungsaan isa ang namatay. Habang sa Barangay Sun Valley ay may isang active case mula sa 526 confirmed case.

Samantala, patuloy sa pagbaba ang kaso sa Barangay BF Homes, ang pinakamalaking subdivision sa lungsod na may 8 aktibong kaso mula sa 737 confirmed case.

Nauna nang inilagay sa lockdown ang 3 barangay upang mapiigl ang pagkalat ng sakit.

Kaugnay nito, pinuri at pinasalamatan ni Olivarez ang mga doktor, nurse at ibang frontliner sa kanilang sakripisyo at katapangan para protektahan ang lungsod laban sa pandemya.

Ayon sa report ng mga researcher mula sa University of the Philippines, hindi kasama ang Parañaque City sa mga high-risk na lugar sa Metro Manila dahil sa pagtaas ng mga bagong kaso ng Covid sa nakalipas na anim na linggo.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.