Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COVID positive sa PNP halos 1,000 na

0 225

Pasampa na sa 1,000 mark ang COVID-19 case sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa datos ng PNP Health Service, naitala na sa 981 ang positibo ng virus sa hanay ng pambansang pulisya as of Wednesday, matapos 39 pa ang na-test na infected.

Kabuuang 35 latest infections ay mula sa Metro Manila, dalawa sa Region 4-A (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon area), isa sa Central Visayas at isa pa sa Cordilleras.

Ani PNP chief Police Gen. Archie Gamboa, sa 981 na positive, 429 ang nakarekober habang siyam ang nasawi, na karamihan ay mula sa Metro Manila at Central Visayas. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.