Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COVID positive sa ‘Pinas, lampas 51,000 na

0 224

Patuloy ang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa bansa, na humampas na sa 51,000 mark nitong Huwebes.

Ayon sa Department of Health, umakyat na sa 51,754 ang kumpirmadong kaso ng virus sa Pilipinas, 1,395 ang naitalang bagong impeksyon.

Sa mga bagong kaso, 1,184 ang tinuring na fresh case habang 211 naman ang tinuring na late case.

Samantala, akyat naman sa 12,813 ang gumaling sa virus sa 225 new recovery, habang napako naman sa 1,314 ang death toll dahil walang napaulat na bagong nasawi sa COVID-19.

Nanatili pa rin ang Pilipinas sa ikalawang pwesto sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Southeast Asian, nangunguna pa rin ang Indonesia na may 68,079. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.