Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COVID positive na pari inatake sa puso

0 50

Isang pari ang nasawi matapos atakihin sa puso nitong Sabado sa Caloocan City.

Sa Facebook post ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, nagtungo si Fr. Manuel Jadraque, Jr mula Mission Society of the Philippines (MSP) sa San Roque Cathedral, sa kanilang lungsod.

Habang nasa tricycle ito mula Monumento ay nakita na lang na hindi na gumagalaw ang pari kaya kaagad dinala sa Caloocan City Medical Center ngunit dead-on-arrival na.

Ayon sa mga kasamahan ni Fr. Jadraque sa MSP, masigla pa ang ang pari at balak sanang bumalik sa New Zealand noong May 2021 ngunit hindi natuloy dahil sa travel ban.

“We have no way of finding out if the heart attack had been triggered by Covid despite the fact that he had been fully vaccinated already. We also do not know which strain of covid it was,” ayon kay David.

Bago nasawi, nabatid na positibo sa COVID-19 ang nasabing pari na kumpleto na sa bakuna. (RP/Juliet de Loza Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.