Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COVID positive bumaha sa mga ospital! Metro Manila balik high risk

0 228

Balik high risk ang Metro Manila dahil sa mabilis na pagtaas ng mga kaso ng tinatamaan ng COVID-19 bago nagtapos ang 2021.
Dahil dito, naalarma ang OCTA Research Group sa posibleng muling pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 sa iba pang panig ng bansa matapos umakyat sa 4.05 ang reproduction number nito sa National Capital Region (NCR).

Sa tweet, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na pinakamataas ito simula noong Abril 1, 2020 na kasagsagan ng pagkalat ng nasabing virus.

Sinabi ng Department of Health (DOH) na sumirit sa 28% ang positivity rate o tinamaan ng virus sa Metro Manila o 2,530 bagong kaso umpisa noong Disyembre 26, 2021 hanggang Enero 1, 2022 na anila ay pinakamataas simula noong Oktubre 10, 2021.

Ayon naman kay David, umakyat sa 969% ang pitong araw na average na tinatamaan sa rehiyon kung saan umakyat ito sa 962 mga kaso mula sa dating 90 na kaso.

Naniniwala rin si David na maaaring bumagsak ng mas mababa sa 2,000 ang mga kaso sa NCR hanggang ngayong araw dahil sa mababang resulta ng mga testing.

Nabahala rin ang OCTA matapos dumoble ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID na na-admit sa mga ospital.

Ayon sa OCTA, tumaas sa 41% ang bilang ng mga na-occupy na hospital bed para sa COVID-19 sa National Captial Region sa loob ng isang linggo.

“The number of occupied hospital beds for COVID-19 in the NCR increased to 41 percent over a span of one week, from 1,381 on December 24 to 1,942 on December 31,” ani David.

Sa pinakahuling bulletin ng Department of Health (DOH), 25% ng 1,300 ICU bed at 23% ng 4,700 isolation bed para sa mga pasyente ng COVID-19 sa NCR ang okupado.
Inilagay ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang NCR sa Alert Level 3 mula Enero 3 hanggang 15, kasunod ng pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID. (Juliet de Loza-Cudia/Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.