Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COVID patient tumakas sa ospital

0 293

Nagkasa ng manhunt ang pulisya sa Hong Kong matapos na tumakas ang isang COVID-19 patient, Linggo ng gabi.

Ayon sa report ng South China Morning Post, nakita si Li Wan-keung sa Mong Kok na hindi na nakasuot ng hospital gown.

Biyernes umalis ang naturang pasyente na positibo sa COVID-19 sa isolation ward ng Queen Elizabeth Hospital, ngunit hindi pa klaro kung anong naging dahilan ng pagtakas nito.

Nabahala naman ang awtoridad sa ospital dahil bagama’t stable ang kondisyon ng pasyente, mayroon pa rin itong sintomas at pwedeng nakahawa ng iba.

Tinitingnan na ng ospital kung anong kailangang baguhin sa kanilang seguridad para maiwasan na ang kaparehong insidente.

Leave A Reply

Your email address will not be published.