Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COVID patient pinalitan ang baga galing sa buhay na donor

0 289

Naging matagumpay ang kauna-unahang lung transplant na kinuha sa mga buhay na donor para sa isang COVID-19 patient na lubhang napinsala ang baga dahil sa virus.

Ginawa ng 30 medical personnel sa Kyoto University Hospital ang 11 oras operasyon sa isang babae at kinuha ang lung tissue ng kanyang asawa at anak.

“We demonstrated that we now have an option of lung transplants (from living donors),” ayon kay Hiroshi Date, MD, isang thoracic surgeon sa hospital na nanguna sa operasyon.

Maaari umanong magkaroon ng isang malalang pagkasira ng baga ang mga pasyente ng COVID-19 at maaari naman na maisagawa ang transplant, pero ito ang unang kaso na gumamit ng lung tissue mula sa buhay na donor.

Ang pasyente na nagmula sa Japan western region ng Kansai, ay nagpositibo sa COVID-19 bago magtapos ang 2020.

Related Posts

Buwan ng Nutrisyon

Pumitas ng puno

Umihi sa garahe

Nanatili siyang nakaratay nang tatlong buwan gamit ang life support machine na naging artipisyal na baga niya.

Gayunman, ang kanyang baga ay wala nang pag-asa na magamot at hindi na ito gumagana pa kaya kailangan niya ng transplant para mabuhay.

Ibinigay ng kanyang asawa ang bahagi ng kanyang kaliwang baga at ibinigay naman ng kanyang anak ang kanyang kanan na baga.

Naging maayos ang operasyon at nasa maayos ng kondisyon ang mag-ama.

Ang babae naman ay nanatiling nasa intensive care unit at inaasahan na lalabas sa hospital matapos ang dalawang buwan at makakabalik sa kanyang normal na buhay sa loob ng tatlong buwan. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.