Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COVID patient, 1 pa nadale sa ambulansya vs SUV

0 127

Isang ambulance driver ang nasawi habang sugatan ang mga sakay niya, kabilang ang isang pasyenteng may COVID-19, matapos silang salpukin ng isang Mitsubishi Montero sa Bacolod City nitong Miyerkoles.

Idineklarang patay sa ospital si Jessie James Tranilla, ambulance driver ng South Bacolod General Hospital.

Sa ulat, kinilala ang mga sugatan na sina Maria Nadala Cajeras, nurse; Vicente Limaco, 78-anyos na COVID-19 patient, at isang Jose Francisco Manlosa.

SM food to go Banner Ad

Ihahatid sana si Limaco sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, nasa Lacson Street ang ambulansya nang salpukin ng Montero na minamaneho ni Kenny Sorillo Arillo, 21.

Matapos ay bumangga ang ambulansya sa isang JMC van, kaya sugatan din ang sakay nito na isang Genesis De Jesus Graellos.

Nakakulong na si Arillo sa Police Station 1 ng Bacolod Police. (IS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.