Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COVID mas malala sa Hunyo

0 68

Mas matinding pagkalat ng COVID-19 ang inaasahan ng gobyerno pagpasok ng Hunyo o Hulyo.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., naghahanda na ang gobyerno sa posibilidad ng pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa kalagitnaan ng 2021.

Ito’y bunsod ng sunod-sunod na record-high ng new coronavirus sa nagdaang linggo, dahilan para muling ibalik sa enhanced community­ quarantine (ECQ) ang Metro Manila at mga karatig-lugar ng dalawang linggo.“We have to expect na this co­ming June and July, baka magkaroon na naman tayo ng peaking or surge,” ayon kay Galvez sa panayam ng ANC.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ang nakita po natin, hindi pa po tapos ang COVID. Nakita po natin, the wrong notion na COVID is already finished in some other countries. It can reappear anytime,” aniya pa.

Ilan sa mga lugar na pinangalanan ni Galvez na posibleng magkaroon ng surge ay sa Metro Manila, Cebu at Bacolod City dahil sa pagiging urban area ng mga ito.

Sa huling tala ng Department of Health nitong Martes, nasa 884,763 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, 703,963 naman ang total na bilang ng guma­ling habang 15,286 ang nasawi. (Raymark ­Patriarca)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.