Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COVID hospital pinagigiba para sa concert ng anak ni Secretary

0 85

Itinutulak umano ng isang mataas na opisyal ng National Parks Development Committee (NPDC) na gibain na ang Manila Covid-19 Field Hospital sa Rizal Park para pagbigyan ang isang concert na nais gawin sa nasabing lugar.

Nabatid na anak umano ng isang gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa likod ng opisyal ng NPDC.

Nalaman na matinding tinutulan ng lungsod ng Maynila ang ba­lak nito dahil may mga COVID patient pa na ginagamot sa nasabing ospital.

Nabatid na mismong si Department of Health Secretary Francisco Duque III ang nagsabi na sa kabila na kontrolado na ang coronavirus ay hindi dapat na magpabaya ang publiko dahil ang COVID-19 virus ay “notorious for mutations” at “is capable of springing surprises.”

Nabatid na ang MCFH ay pinamumunuan ni Dr. Arlene Dominguez ay itinayo sa record time na 52 days sa pagsisikap nina Mayor Isko Moreno, Vice Mayor-incoming Mayor Honey Lacuna, City Engineer Armand Andres, City Electrician Randy Sadac at mahigit 100 construction worker.

Nangangamba ang lokal na pamahalaan na Maynila na mawala ang field hospital lalo na ngayon na may nakikitang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.