COVID high risk, puwera sa MGCQ – ex NEDA chief

NANINDIGAN ang dating National Economic Development Authority (Neda) chief na kailangang manatili muna sa general community quarantine (GCQ) status ang mga lugar sa Metro Manila na may mataas na kaso o nasa ‘high-risk’ ng coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay dating socioeconomic planning chief Ernesto Pernia, hindi maaari na gawin sa buong Metro Manila ang modified general community quarantine (MGCQ) at dapat selective lang dahil hindi naman lahat ng lugar ay ligtas at mayroon pang mga high-risk areas.

“GCQ pa rin dapat at iyong mga low-risk areas na, low risk towns or cities of Metro Manila, puwede silang mag-MGCQ,” paliwanag ni Pernia sa isang panayam.
Kaugnay nito, hindi sumang-ayon si Pernia sa rekomendasyon ni acting Neda Sec. Karl Kendrick Chua kay Pangulong Rodrigo Duterte na ilagay sa ang buong bansa sa MGCQ na kung saan ay papayagan din na magbukas ang mga ipinasarang negosyo. (Vick Aquino)