Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COVID hawaan sa NCR bumaba, Davao City pinakamataas

0 231

Bumaba pa sa 93.82% ang COVID-19 average daily attack rate (ADAR) sa National Capital Region (NCR) pero nanatiling nasa severe level.

Sa post ni OCTA Research Group fellow Dr. Guido David, mataas pa rin ang reproduction number sa 1.38 mula sa 111.47% noong nakalipas na Miyerkoles.

Bukod sa NCR, mataas din ang ADAR sa Baguio City na nasa 152.65%.

Ayon kay David, ang surge ng COVID-19 ay nakita rin sa Baguio City, Iloilo City, Cebu City, Lapu Lapu, Tacloban, Davao City at Cagayan de Oro.

Sa Davao City naman naitala ang pinakamataas na reproduction number na nasa 4.04%. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.