Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COVID dinahilan kaya pinalaya 9 pulis sa Jolo rubout

0 138

Pandemya ang tinukoy na dahilan ng mababang korte kaya nabigong nakapag-isyu ng arrest warrants laban sa siyam na pulis na sangkot sa pagpatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu.

Sa ulat, base na rin sa pahayag ni Atty. Honey Delgado, tagapagsalita ng Office of the Prosecutor General, Enero 4, 2021 pa naisampa ang mga criminal information sa Sulu Regional Trial Court laban sa 9 pulis.

Pero napag-alaman ng Department of Justice na naka-lockdown ang Sulu dahil sa banta ng COVID-19 kaya wala pang arrest warrants sa mga respondent na pulis.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinibak ang 9 pulis sa serbisyo pero sila ay pinalaya ng Philippine National Police dahil wala na sila sa kanilang hurisdiksyon bunsod ng kawalan ng arrest warrants.

Sinasabing ang korte ang magdedetermina kung may probable cause upang isyuhan ng arrest warrants ang mga suspek.

Ikinadismaya naman ng Armed Forces of the Philippines ang naging ganap.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.