Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COVID case sumisirit uli sa Europe

0 41

Sumisipa uli ang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa Europe na naging dahilan para maghigpit muli sa galaw ng mga tao kasabay ng paghikayat ng mga health expert sa publiko na magpa-booster shot bilang proteksiyon sa pandemya.

Ayon sa ulat, nirekomenda ng European Center for Disease Prevention and Control ang booster shot sa lahat ng mga may edad na at prayoridad umano na maturok ng bakuna laban sa COVID ang mga 40-anyos pataas.

Maraming bansa na rin sa European Union ang nagsimula nang magbigay ng booster shot para mapigilan ang paglaganap uli ng COVID.

Pinayuhan din ang mga bansa na mababa pa ang bilang ng mga nabakunahan laban sa coronavirus na bilisan ang kanilang pagbabakuna para mapigilan ang pagdami uli ng mga nagkakasakit at namamatay dahil sa virus infection.

Leave A Reply

Your email address will not be published.