Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COVID case sumirit; higit 2K biyahe sa US kinansela

0 193

Nabitin ang halos 2,604 flights sa Amerika matapos kanselahin dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases dulot ng Omicron variant na sinabayan pa ng masamang lagay ng panahon.

Mula sa 4,529 flights worldwide, naudlot sa mahigit kalahati ang biyahe sa mga paliparan, base na rin sa

tracking website na FlightAware.

Nasa 3,447 domestic flights ring biyahe ang naunsyame kamakalawa mula sa kabuuang 7,602 worldwide data flight kada araw.

Nabatid na labis na naapektuhan sa US airline ang Southwest dahil 13% ng kanilang flight schedule ay kinailangang kanselahin.

Kabilang din sa apektado ang airport sa Chicago dahil may kabuntot pang snowstorm ang ngayo’y masama nilang weather.

Apektado rin ang global air travel industry dahil sa `highly contagious’ Omicron variant kung saan karamihan sa mga piloto, flight attendants at mga staff, ay absent matapos tamaan ng COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.