Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COVID case sa buong mundo 2 buwan na sumisirit – WHO

0 153

May dalawang buwan nang patuloy na tumataas ang mga kaso ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa lingguhang ulat na inilabas ng World Health Organization (WHO) noong Miyerkoles.

Ang pagtaas ng mga kaso ng COVID ay kasunod na rin ng pagsirit ng mga kaso ng Delta variant na ini-report sa 148 lugar sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon sa WHO, mahigit 4.4 milyong bagong kaso ng COVID ang ini-report sa nakalipas na linggo at karamihan dito ay mula sa Western Pacific Region at sa Americas.

Pinakarami naman umanong nasawi dahil sa coronavirus ay naitala sa Indonesia, Brazil at Russia.

Leave A Reply

Your email address will not be published.