Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COVID balik sirit ‘pag dinedma booster shot

0 130

Nagbabala ang grupo ng mga eksperto sa posibleng muling pagsirit ng kaso ng COVID-19 kung hindi mabibigyan ng vaccine booster shot ang mga Pilipino.

Paliwanag ni OCTA Research fellow Guido David, batay sa karanasan ng ibang mga bansa humina na ang efficacy ng bakuna sa loob ng anim na buwan at tuluyan nang mawawala makalipas ang siyam na buwan.

“Ibig sabihin, once the vaccines start losing their effectiveness, we may see more outbreaks. That is possible. That is why we support having the booster shots even before it happens,” ayon kay David.

Ang booster shot ay nirerekomendang ibigay sa mga unang binigyan ng vaccine gaya ng mga health workers, senior citizen, at indibiduwal na may comorbidity.

Giit ni Davis, “If we have booster shots around this year up to early next year, we could help prevent these spikes in cases.”

Ang pagbibigay umano ng booster shot ay dapat masimulan nang mas maaga dahil hindi naman umano isyu ang supply sa COVID-19 vaccine dahil marami na tayong supply.

Kaugnay nito, sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na target ng gobyerno na mailunsad ang COVID-19 booster shot at third doses sa Nobyembre 15.

Nabatid rin na ang COVID-19 vaccine na darating sa bansa simula Nobyembre 3 ay gagamitin na booster shots sa unang buwan ng susunod na taon. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.