Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COVID bakuna hindi na libre sa 2023

0 180

Maaari na umanong mabili sa merkado ang mga bakuna laban sa COVID-19 pagsapit ng 2023.

Gayunman, idiniin ni COVID-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez, na patuloy pa rin ang gobyerno sa pagbibigay ng libreng bakuna laban sa COVID-19 sa mga bata, senior citizen at mahihirap na mamamayan kahit magiging commercially available na ito.

Kasama rin aniya sa libreng ibibigay ng pamahalaan ang mga bakuna laban sa cholera, tigdas at polio.

Idinagdag ni Galvez na sa kasalukuyan ay mas pinipili ng mga vaccine manufacturer sa ibang bansa na direktang makipagnegosasyon sa national government para sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19.

Mas mabilis umano kasi ang pro¬seso dahil bultuhan ang pag-order sa mga bakuna.

Nauna nang inaprubahan ng Food and Drug Administration ang emergency use authorization para sa lahat ng bakuna kontra COVID-19 vaccines. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.