Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COVID-19 vaccine trial sa Thailand, matagumpay

0 1,180

Naghihintay na lang ng go signal ng Food and Drug Administration ang Chulalongkorn research team sa Thailand para sa human trial ng bakuna laban sa COVID-19 na kanilang dinevelop.

Ito’y matapos nilang ibalita noong Linggo na tagumpay ang eksperimento ng bakuna sa mga unggoy at magsisimula na silang tumanggap ng mga volunteer hanggang sa buwan ng Setyembre, ayon sa ulat ng Asia News Network.

Tatanggap umano sila ng mga volunteer hanggang sa buwan ng Setyembre.
Ayon kay Prof. Kiat Ruxrungtham, director ng Chulalongkorn’s vaccine research center, ang Chula-COVID-19 ay isang mRNA vaccine na ginawa sa pamamagitan ng genetic material mula sa mga bagong strain ng coronavirus.

Kapag naiturok ang genetic material sa katawan, magiging protina ito at magpapabilis sa paggawa ng antibodies na siyang lalaban sa virus.

Leave A Reply

Your email address will not be published.