Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COVID-19 report isasalin sa Tagalog

0 277

Isasailalim na sa Tagalog o wikang Filipino ang infographic sa COVID19 upang higit na maunawaan ng mga Pinoy.

Àyon kay Komisyoner Dr. Arthur Casanova ng Komisyon ng Wikang Filipino nakatangap sila ng kahilingan mula sa ibat ibang ahensya ng pamahalaan partikular sa Department of Health (DOH) para sa pagsasalin ng mga infographics sa COVID-19.

Sinabi ni Casanova na sa ganitong paraan nakakatulong ang wikang Pilipino sa pagpaparating ng mga kabatiran at impormasyon hinggil sa COVID 19 kaya higit na nauunawaan ng mga kababayan sa ganitong paraan.

“Pinagdiriwang ngayon ang ‘Buwan ng Wika’ ganundin ang buwan ng kasaysayan. Mahalaga magamit wikang Filipino sa panahon ng pandemya at iba pang mga katutubong wika dahil kasama yan sa mandato ng KWF. Mahalaga ang paggamit ng wikang Filipino sa pagbibigay ng impormasyon at kabatiran,” ayon kay Casanova .

(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.