Una sa Balita

COVID-19 positive sa Japan cruise ship 174 na

0 303

PANIBAGONG 39-katao ang na-test na positibo sa novel coronavirus (COVID-19) sa Diamond Princess cruise ship sa Japan.

Ito na ang ikalawang linggo ng isinasagawang quarantine sa nabanggit na cruise ship matapos magpositibo ang isang sakay nito ­kamakailan.
Sa kabuuang 174-katao na positibo sa virus, 20 dito ay mga Amerikano, ayon sa USA Today.

Sakay ng barko ang may 2,666 guest at 1,045 crew nang maglayag noong Enero 20.

Kasalukuyan itong naka-quarantine sa Yokohama pier at mananatili hanggang Pebrero 19. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More