Una sa Balita

COVID-19 death toll sa US, 1K na!

0 570

NEW YORK – Umabot na sa 1,000 ang naitatalang namatay sa coronavirus sa buong Estados Unidos batas sa monitoring ng Center for Systems Science and Engineering ng John Hopkins University.

Pinakamataas na bilang ng mga naitatalang namatay dahil sa coronavirus ang New York City na may 200 katao kung saan ilan sa mga ito ay Pinoy.

Expected na ng Health authority sa New York na tataas pa ang bilang na ito sa mga susunod na araw dahil patuloy na tumataas ang bilang ng mga nahahawa sa virus.

Sa buong Amerika na sa mahigit 64,000 na ang positibo sa coronavirus kung saan halos kalahati ng bilang na ito ay nasa New York State na siyang epicenter ng pandemic sa buong Estados Unidos.

Binabantayan din ngayon ang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa coronavirus sa State New Jersey na nakapagtala na ng aabot sa 5,000
Samantala, tinamaan na rin ng COVID19 ang New York Police Department kung saan 82 Police ang nagpositibo sa nakamamatay na virus.

Malaki ang reponsibilidad na ginagampanan ng New York Finest sa panahong ito dahil kabilang sila sa frontliners na nagpapatupad ng peace and order sa gitna ng stay at home order na ipinatutupad ngayon sa buong New York. (Dave Llavanes Jr.)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More