Una sa Balita

Courtesy call ni Isko kay Erap naudlot

0 349

NAKANSELA ang nakatakda sanang courtesy call ni Manila Mayor-elect Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kay outgoing Mayor Joseph Estrada kahapon dahil sa masamang pakiramdam umano ng huli.

Sa isang media advisory, humingi ng pasensiya si Estrada at hiniling na ipagpaliban muna ang paghaharap nila ni Domagoso.

Ayon kay Alex Morales, chief of staff ni Estrada, matutuloy ang paghaharap ng dalawang opisyal alas-dos nang hapon sa Lunes.

Opisyal ng pamumunuan ni Domagoso ang lungsod bilang bagong alkalde sa Hulyo 1 kasunod ng isasagawang transition period sa Hunyo 30.

Si Domagoso ang vice mayor­ ni Estrada sa una nitong termino bilang alkalde ng Maynila.

Ipinroklama ng Commission on Elections (Comelec) si Domagoso bilang bagong alkalde ng Maynila matapos itong makakuha ng 357,925 boto laban sa 210,605 boto na nakuha ni Estrada.

Ang isa pa nilang kalaban na si dating mayor Alfredo Lim ay nakakuha naman ng 138,923 boto.

Kasama ni Domagoso na uupo sa Hulyo 1 ang kanyang running mate na si Honey Lacuna na nakakuha ng botong 394,766 laban kay dating congressman Amado Bagatsing na nakalikom ng 267,286 boto.

Sa kanilang pag-upo bilang mga bagong lider ng lungsod, hiniling ni Domagoso sa mga empleyado ng pamahalaang-lokal na magkaisa at iwaksi na ang politika tungo sa pag-usad ng lungsod. (Mia Billones)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy