Una sa Balita

Courtesy call ko kay Deputy Speaker Pulong

0 310

NAG-COURTESY call ang inyong lingkod kay House Deputy Speaker Paolo ‘Pulong’ Duterte bilang pasasalamat sa kanyang pagsupporta sa AMA Philippine Team na pupunta sa Jakarta, Indonesia.

Kung inyong matatandaan, si Cong. Duterte rin ang bumuo sa ‘Tapang at Malasakit National Basketball & Volleyball Tournament’ sa buong bansa kung san naglaban-laban ang iba’t ibang manlalaro galing sa Luzon, Visayas, Mindanao at NCR.

Nag-champion ang Mindanao at mapalad ako na naging bahagi ako nito bilang Sports Head ng tournament.

Isa sa sumuporta si Cong. Eric Yap ng ACT-CIS Partylist na isa ring dating manlalaro kaya hindi ako nahirapang ipatupad ang ligang ito dahil sa kanilang suporta.

***

Ang AMA Juniors ay 4-0 na sa ‘Breakdown Basketball’ na ginaganap sa Ateneo Moro Lorenzo Gym.

Ang ligang ito ay nagbibigay ng exposure sa mga kabatang manlalaro sa murang edad para mahubog papunta sa kanilang pangarap.

Isa itong liga na kasama pa rin sa program ko taon-taon sa AMA Sports Program.

Ang mga team ay mula sa UAAP, UCSAA at iba pang eskwelahan sa Metro Manila.

Consistent sa AMA Juniors sina Niko Alina, Alec Catorce, Christian Germino, Ralph Altamirano, Reed Baclig, JC Yambao, Eriz Romero, Christian Camay at Joshua Villamor sa walang sawang pagtulong ni AMA Chairman Amb. Amable R. Aguiluz V & President Dr. Amable C. Aguiluz IX.

***

Balik sa PBA D-League quarterfinals ang AMA Online sa paggabay ng inyong lingkod.

Pinabagsak ng AMA ang Team Hazchem Green Warriors, 133-90, sa pangunguna ni Aaron Black, anak ng batikang head coach ng Meralco Bolts na si Norman Black.

Nagtala si Aaron ng triple double at career-high 45 points, 18 assists at 12 rebounds.

Tinapatan niya rin sa history ng PBA D-League si Jeron Teng na naglaro rin sa AMA Online na nakagawa ng tatlong triple double sa buong torneo.

Lalabanan ng AMA Online sa quarterfinals ang walang talong Marinerong Pilipino.

Doon makakatulong ni Black ang consistent players na sina Luke Parcero, Alvin Fuentes, Nico Estibar, Fran Assuncion at Ged Austria, na anak ni eight-time champion San Miguel coach Leo Austria.

***

Nagapapsalamat po ako kay Dr. Ismael Umali sa pagtulong sa aking player nung nabali ang kanyang ilong at dinala sa MCU Hospital.

Mabuhay po kayo at abangan ninyo ang PYD Inter-School ni coach Beaujing Acot na gaganapin sa November.

Kilala natin si Acot na isang magaling na coach at beterano sa mga ligang pang-grassroots.

Binabati ko rin ang AMA University Juniors Team na nanaig laban sa St. Francis de Assisi College nitong nakaraang Martes sa Juniors Division Basketball Tournament ng National Athletic Association of Schools Colleges and Universities (NAASCU).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy