Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Councilor suki sa bingguhan

0 126

Usap-usapan ngayon ang isang opisyal ng konseho ng isang bayan na nasa lalawigan na karugtong ng Metro Manila.

Ayon sa mga Marites, suking-suki raw itong opisyal ng isang bingguhan at pumupunta ito roon kahit pa oras ng trabaho. Kahit na mayroong pandemya ay tuloy daw sa pagsusugal itong opisyal.

At hindi lang siya basta pumupunta para maglaro kundi nakarehistro pa ito roon hindi bilang isang regular na player kundi “high roller.”

Matapos na ilang beses makita sa sugalan ay mayroong naglakas- loob na maghain ng reklamo sa Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa opisyal.

Nagbaba naman ng utos ang DILG para imbestigahan ang reklamo pero puna ng mga Marites parang wala namang nangyayari dahil paikot-ikot pa rin ang opisyal sa munisipyo.

Clue: Ang opisyal na inirereklamo ay mayroong letrang N sa kanyang pangalan as in Never umabsent sa sugalan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.