Una sa Balita

Cotabato mall bombing pakana ng BIFF – PNP

0 271

MAAARING mga local terror group ang nasa likod ng nangyaring pagsabog sa isang mall sa Cotabato City na kumitil ng dalawang buhay at ikinasugat ng 34 katao noong bisperas ng Bagong Taon.

Ito ang inihayag kahapon ni Chief Supt. Benigno Durana, Phi­lippine National Police (PNP) spokesperson, sa isang panayam at sinabi nitong batay sa resulta ng kanilang imbestigasyon, natagpuan nitong kapareho ng modus operandi at signature ng nasabing insidente ang ginagawa ng mga lokal na terorista.

Ang nasabing insidente ay kagagawan umano ng mga pangkat na ISIS-inspired, tini­tingnan ng pulisya ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) at iba pang grupo.

Matatandaang nangyari ang pagsabog dakong ala-1:59 ng hapon sa harap ng South Seas Mall sa Don Rufino Alonzo Avenue, Poblacion 5 ng nasabing siyudad. Matapos nito, nadiskubre pa ng rumespondeng awtoridad ang ikalawang bomba sa ikalang palapag ng mall na agad namang na-dispose ng mga bomb expert. (PNA)