Una sa Balita

Cotabato, Maguindanao niyanig ng 4 na pagsabog

0 183

GINULANTANG ng apat na pagsabog ang Cotabato City at lalawigan ng Maguindanao kamakalawa nang gabi at kahapon nang umaga, ayon sa ulat ng militar.

Ayon kay Major Gen. Cirilito Sobejana, chief ng Army’s 6th Infantry Division (ID) at Joint Task Force (JTF) Central, ang pagpapasabog ay naglalayong takutin ang mga botante.

“The explosions occur in open areas which are not a usual conver-ging points. There were no reported casualties,” pahayag ni Sobejana subalit lumikha ito nang matinding takot sa mga botanteng residente sa nasabing mga lugar.

Nabatid na ang unang pagsabog ay naganap dakong alas-7:35 nang gabi kamakalawa malapit sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ang insidente ay nasundan ng dalawa pang pagsabog sa Cotabato City Hall bandang alas-10:00 nang gabi kung saan narekober ang mga fragments ng mortar sa blast site.

“Motive is possibly to disrupt the sorting of voting paraphernalia that will be used on Election Day”, saad ni Sobejana.

Dakong alas-7:30 naman nang umaga kahapon sa mismong araw ng botohan ay isa pang pagsabog ang naganap malapit sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Posible umano na ang mga supporters mula sa kampo ng mga magkakalabang kandidato ang nasa likod ng pagsabog. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy