Una sa Balita

Cotabato inuga ng magnitude 4.3

0 299

NIYANIG ng magnitude 4.3 na lindol ang North Cotabato, ayon sa Phili­ppine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala ang lindol alas-9:03 ng umaga na ang sentro ay sa bayan ng Makilala. May lalim na 11 kilometro at tectonic ang pinagmulan nito.

Dahil mababaw ay malakas itong naramda­man sa ilang mga kalapit na bayan.

Naramdaman ang Intensity V sa Kidapawan City at Tulunan, North Cotabato at Intensity III sa Bansalan at Hagonoy, Davao Del Sur. (Tina Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More