Una sa Balita

Costume nina Germany, Brazil, Indonesia pinaglaruan

0 471

Dahil sa mga magagarbong national costume ng mga kandidata sa Miss Universe 2019, kanya-kanyang pakulo ang mga netizen sa social media, at siyempre hindi mawawala ang mga meme.

Gaya ng costume ni Ms. Germany na ginawan ng meme na kapag naririnig ang kantang “Señorita” ni Camila Cabello ay ganoon agad ang awra. Pinagkamalang Ms. Intrams entry naman ang costume ni Ms. Brazil.

Naisipan naman ng mga netizen na maaring bahagi ng pamilya Dora ng pamosong kalyeserye ang datingan ni Ms. Cayman Island dahil sa aura niyang mala-Lola Nidora.

Hindi rin nakaligtas sa mga meme ang kasuotan ni Ms. Indonesia na sinasabing nakaka-Encantadia ang costume. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy